Philippine Standard Time:
Your browser is not supported for the Live Clock Timer, please visit the Support Center for support.
  • Home
  • News
  • SEWAGE TREATMENT PLANTS NG MGA LOCATOR NG CEZA, INI-INSPECT UPANG MATIYAK NA TUMUTUGON SA BATAS UKOL SA CLEAN WATER.

SEWAGE TREATMENT PLANTS NG MGA LOCATOR NG CEZA, INI-INSPECT UPANG MATIYAK NA TUMUTUGON SA BATAS UKOL SA CLEAN WATER.

TUGUEGARAO CITY – Kasalukuyan nang ina-assess ng CEZA ang kundisyon ng mga sewage treatment plant o STP ng mga locators sa ecozone upang matiyak kung functional o maayos na gumagana ang mga ito.

Sinabi ni Consultant for Environment Atty Gil Aromin na bahagi ito ng pangkalahatang hangarin ng pamunuan ni Secretary Katrina Ponce Enrile na maayos na maipapatupad ang mga batas pangkalikasan sa ecozone and Freeport.

Nagbabala si Atty Aromin sa mga locator na kailangang sumunod sila sa water at clean air act dahil mabigat ang penalty o multa ng sinumang mapapatunayang lumalabag sa mga probisyon ng nasabing mga batas.

Aniya, P100 libong piso bawat araw na multa, maliban pa sa ibang haharaping asunto, dahil sakop nito ang aniya ay ‘continuing mandamus’ na inisyu dito ng korte suprema.
Sinabi niya na nais ng CEZA na hindi lamang naroon o naitayo ang STP kundi dapat tunay, maayos, at naaayon sa standards ang functionality nito na siyang in-inspect ngayon ng ahensiya. #

VISITOR COUNTER

185139
Users Today : 407
Users Yesterday : 626
This Month : 13238
This Year : 29254
Total Users : 185139
Views Today : 2654
Total views : 1789565

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.