Philippine Standard Time:
  • Home
  • News
  • Chartered flights mula China papuntang Cagayan, kinansela

Chartered flights mula China papuntang Cagayan, kinansela

By: Bombo Grace M. Carag

TUGUEGARAO CITY- Ipinag-utos ni Secretary Raul Lambino, CEO ng Cagayan Economic Zone Authority ang pagkansela sa lahat ng chartered flights mula Macau at iba pang bahagi ng China na lalapag sa Cagayan North International Airoport sa Lallo, Cagayan.

Sinabi ni Lambino na layunin nito na mapigilan na makapasok sa Cagayan ang novel corona-virus.

Ayon kay Lambino na inabisuan na nila ang charterer ng Royal Air na suspindihin muna ang kanilang mga flights.

Ang operayon ng nasabing airline ay Macau-Lallo na ang karamihan sa mga sakay nito ay mga Chinese tourists na papunta sa mga tourist destinations sa Cagayan.

Sinabi ni Lambino na mayroon ding commercial domestic flight ang Royal Air sa pagitan ng Lallo at Clark.

https://www.bomboradyo.com/tuguegarao/chartered-flights-mula-china-papuntang-cagayan-kinansela/

VISITOR COUNTER

231788
Users Today : 24
Users Yesterday : 911
This Month : 4108
This Year : 75903
Total Users : 231788
Views Today : 69
Total views : 2128721

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.