Philippine Standard Time:
 
  • Home
  • News
  • $4.5-bilyong ‘City Polaris’ itatayo

$4.5-bilyong ‘City Polaris’ itatayo

By: Victor Martin
Pilipino Star Ngayon

SANTA ANA, Cagayan, Philippines —  Isinagawa kahapon ang pinakaaabangang groundbreaking para sa itatayong pinakamodernong syudad na tinatayang nasa $4.5 bilyon ang halaga na itatayo sa bayang ito kasabay ng ika-24 anibersaryo ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).  Ayon kay Secretary Raul Lambino, CEZA administrator at chief exe­cutive officer, ang proyekto na tinawag na “City Polaris” ay itatayo sa may 2013-ektarya na lupain ng Barangay Mapurao.

Matatagpuan sa modernong syudad ang mga itata­yong six-star hotels, casinos, golf courses, cyberpark for digital currency, business park, civic center, tertiary hospital, condominium buildings, premium villas, mga online gaming operations na gawa sa mga makabagong teknolohiya. “The City Polaris would combine some of the best innovations of 21st-century technology,” pahayag ni Lambino.

Photo Caption: Pinangunahan kahapon nina Sec. Raul Lambino, administrator at chief executive officer ng Cagayan Economic Zone Authority, Senior Deputy Administrator Raymundo Roquero at iba pang foreign investors at locators ang groundbreaking ng P234-B “City Polaris” project, isang magiging world class city sa Santa. Ana, Cagayan.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2019/02/26/1896761/45-bilyong-city-polaris-itatayo?fbclid=IwAR3Yh5ULOuRxtaPTqq6HTXc8UCuuk85LTsAnVNEP6_utwjT0iyrRCLNIBR4

VISITOR COUNTER

289222
Users Today : 240
Users Yesterday : 794
This Month : 9721
This Year : 133337
Total Users : 289222
Views Today : 745
Total views : 2506995

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.