By: Bandera Inq. É – July 31, 2018

SINAKSIHAN ni Pangulong Duterte ang pagsira sa tinatayang P296 milyong halaga ng mga smuggled luxury vehicles at motorcycles sa Port Irene, Sta. Ana, Cagayan.

Kabilang sa sinira gamit ang backhoe at bulldozer ay 69 na mga kotse na nagkakahalaga ng P277 milyon at walong motorsiklo na nagkakahalaga ng P19 milyon.

Isinagawa ang pagsira sa Cagayan Economic Zone Authority na nasa ilalim ng pamumuno ni chief executive officer Raul Lambino.

Featured image from Bandera Inq. É