By: Fergus E. Josue, Jr.(Abante) June 8, 2018

Sa ikalawang pagkakataon, ang bayan ng Santa Ana sa lalawigan ng Cagayan ang napili para manguna sa BVR International Santa Ana Open na gaganapin sa Sabado (Hunyo 9).

Walong team sa babae at 10 naman sa lalaki mula sa iba’t ibang bansa ang maglalaban para masungkit ang kampeonato sa dalawang araw na torneo.

Lalahukan ito ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang bansa gaya ng Pilipinas, Malaysia, Singapore, Hong Kong at South Africa.

Dalawang pares mula sa Singapore, isa sa Hongkong at lima sa Pilipinas sa women’s division na pangungunahan ng BVR reigning champs na sina Lot Catubag at Karen Quilario.

Sina BVR titleholders Jade Becaldo at Calvin Sarte naman ang mangunguna para sa men’s divison ng torneo kasama rin nilang sasabak ang ilang Pinoy gaya nina Bryan Bagunas at James Natividad.

Kabuuang 19,000 dolyar ang mauuwi ng mananalong koponan